Pangulong Tsino, bumati sa pagsasaoperasyon ng pinakamalaking radio telescope ng daigdig

2016-09-26 13:59:48 CRI CRI

Ipinadala kahapon, Linggo, ika-25 ng Setyembre 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pagsasaoperasyon ng pinakamalaking radio telescope ng daigdig sa Guizhou, Tsina.

Sinabi ni Xi, na ang pagsasaoperasyon ng naturang teleskopyo ay malaking breakthrough ng Tsina sa nangungunang aspekto ng siyensiya at teknolohiya. Hinahangaan niya ang ambag na ibinigay ng mga siyentista, teknisyan, at manggagawa sa konstruksyon ng teleskopyong ito.

Ang naturang teleskopyo ay tinatawag na Five-hundred-meter Aperture Spherical Telescope (FAST). Kasinlaki ng 30 football field, makakatulong ito sa paghahanap ng extraterrestrial life at sa pagtuklas ng pinagmulan ng universe.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino