Ika-6 na Trade Fair ng Tsina at ASEAN, idinaos sa Bangkok

2016-09-26 15:46:20

Bangkok, Thailand - Pinasinayaan nitong Huwebes at tatagal hanggang Sabado, ang Ika-6 na Trade Fair ng Tsina at ASEAN at Ika-7 Eksbisyon ng Panindang Tatak Tsino.

Ipinahayag ni Xu Haitao, kinauukulang namamahalang tauhan ng Departamento ng Pag-unlad ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang Thailand ay isang mahalagang pinagtitipunang pangkabuhayan at pangkalakalan sa rehiyong ASEAN. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang pagpapaunlad ng kalakalan sa Thailand at iba pang mga bansang ASEAN. Umaasa rin ang Tsina na sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kooperasyon, lalo na sa konstruksyon ng "Belt and Road," mapapabilis ang pagtataas ng antas ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Thailand, dagdag pa niya.

Sa panahon ng naturang perya, idinaos din ang serye ng simposyum na may mga temang kinabibilangan ng kung paanong pipiliin at ibebenta ang mga panindang Tsino sa pamamagitan ng internet, kung paanong hahanapin ang pagkakataong komersyal sa paggamit ng logistical policy ng Tsina at Thailand, tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Thai sa taong 2017, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino