"Experience China in Indonesia," pinasinayaan sa Jakarta

2016-09-28 15:40:28

Sa Jakarta, Indonesia - Pinasinayaan nitong Martes, Setyembre 27, 2016, ang serye ng aktibidad na kultural na pinamagatang "Experience China in Indonesia." Sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at Embahadang Tsino sa Indonesia, ito ay naglalayong ibayo pang pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Indonesia, at palakasin ang pag-uunawaan ng dalawang bansa. Tatagal ng isang linggo ang aktibidad na ito.

Hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na idinaos ang aktibidad ng "Experience China" sa ilang mga bansa sa daigdig. Ito ay nagsisilbing mahalagang plataporma para sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at iba't-ibang bansa, at pagpapalalim ng kanilang pag-uunawaan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino