NAM, hindi angkop na lugar para sa isyu ng South China Sea--Tagapagsalitang Tsino

2016-09-28 16:52:45 CRI

Sinabi kahapon, Martes, ika-27 ng Setyembre 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Non-Aligned Movement (NAM) ay hindi angkop na lugar, para talakayin ang isyu ng South China Sea.

Winika ito ni Geng kaugnay ng isang ulat ng Chinese media hinggil sa katatapos na Ika-17 NAM Summit. Ayon sa ulat, sa summit na ito, sa kabila ng pagtutol ng karamihan sa mga kalahok na bansa, iginiit ng Singapore at iilang iba pang bansa na bigyang-tampok ang isyu ng South China Sea sa nilalaman ng inilabas na dokumento ng summit.

Ayon kay Geng, malinaw ang naiulat na pangyayari ng Chinese media. Sinabi niyang totoong iniharap ng iilang bansa ang nabanggit na kahilingan, at tinanggihan ito sa summit. Dahil aniya, ang naturang nilalaman hinggil sa isyu ng South China Sea ay hindi kinikilala ng karamihan sa mga bansa ng NAM, at hindi rin angkop sa komong palagay ng mga may kinalamang panig ng isyung ito, na kinabibilangan ng Tsina.

Dagdag pa ni Geng, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tumutungo ngayon sa positibong direksyon ang kalagayan ng South China Sea. Ipinahayag niya ang pag-asang igagalang ng mga may kinalamang bansa ang paninindigan ng Tsina, at komong palagay ng Tsina at mga bansang ASEAN sa isyu ng South China Sea. Ito aniya ay para makatulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at maayos na paghawak ng isyu ng South China Sea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino