Tsina, lubos na nakidalamhati sa pagyao ng dating pangulong Israeli

2016-09-28 17:10:12

Kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Shimon Peres ng Israel, ipinahayag Miyerkules, Setyembre 28, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinahayag ng panig Tsino ang lubos na pakikidalamhati sa pagyao ni Ginoong Peres, at ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Israeli, at kamag-anakan ng dating Pangulo.

Ani Geng, si Ginoong Peres ay beteranong pulitiko at diplomata, at siya ring tagapagtatag at aktibong tagapagpasulong sa prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan. Aniya, gumawa si Peres ng positibong ambag para sa relasyong Sino-Israeli. Ang pagpanaw niya ay kapinsalaan hindi lamang sa kapayapaan ng Gitnang Silangan, kundi maging sa relasyong Sino-Israeli.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino