Isyu ng Peninsula ng Korea, tinalakay ng Tsina at Rusya

2016-09-29 11:42:58 CRI

Nag-usap Setyembre 28, 2016, sa Moscow, Rusya sina Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina at Igor Morgulov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya.

Tinalakay nila, pangunahin na, ang isyu ng Peninsula ng Korea.

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng Tsina at Rusya na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayan sa Peninsula ng Korea, magkasamang magsisikap ang dalawang panig para maisakatuparan ang target ng walang-nuklear na peninsula, at tutol sa muling pagsasagawa ng Hilagang Korea ng nuclear test. Anila, tinututulan ng Tsina at Rusya ang anumang aksyong makakasama sa kalagayan, para igarantiya ang kapayapaan at katatagan ng buong Hilagang Silangang Asya.

Ipinahayag din ng dalawang panig na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para pasulungin ang pagpapanumbalik ng diyalogo, para hanapin ang paraang maisakatuparan ang pangmatagalang katatagan sa Peninsula ng Korea. Hindi nila tinatanggap ang pagtatalaga ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) missile system sa peninsula, anila pa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino