Delegasyong Tsino, dumalo sa Ika-39 Kumperensiya ng ICAO

2016-09-29 11:39:59 CRI

Idinaos Setyembre 27, 2016 ang Ika-39 Kumperensiya ng International Civil Aviation Organization(ICAO) sa Montreal, Canada.

Sa kanyang talumpati sa pulong, inilahad ni Feng Zhenglin, Puno ng delegasyong Tsino ang bagong ideya sa civil aviation development na binalangkas ng Tsina, sa Ika-13 Panlimahang-taong Plano sa Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan.

Ipinahayag ni Feng na bilang isa sa mga kasapi ng ICAO, magsisikap ang Tsina para palawakin at palalimin ang pagtutulungang pangdaigdig sa seguridad ng abiyasyon, paghahatid sa himpapawid, at pamamahala sa transportasyong panghimpapawid, batay sa balangkas ng ICAO.

Nang araw ring iyon, nagbigay-galang ang delegasyong Tsino sa Presidente at Pangkalahatang Kalihim ng ICAO Council, at nakipag-usap din sa kanyang mga counterpart, mula sa Unyong Europeo, Canada, Malaysia, Cuba, Singapore, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino