Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina

2016-10-01 14:19:03

Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina

Biyernes ng gabi, Setyembre 30, 2016, idinaos sa Great Hall of the People ng Konseho ng Estado ng Tsina ang resepsyon ng Pambansang Araw bilang maringal na pagbati sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Nagtipun-tipon ang mga lider ng partido at bansa na gaya nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli, at mahigit 1200 personaheng Tsino at dayuhan para magkakasamang ipagdiwang ang okasyong ito. 

Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina

Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina

Bumigkas ng mahalagang talumpati sa resepsyon si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Nangulo sa resepsyon si Zhang Gaoli, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino