Liu Yunshan, nakipagtagpo sa pangulo ng Mongolia

2016-10-02 17:12:21

Oktubre 1, 2016, Ulaanbaatar--Kinatagpo ni Tsakhya Elbegdorg, Pangulo ng Mongolia si Liu Yunshan, dumadalaw na Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina.

Pinarating muna ni Liu ang pangungumusta ni pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Elbegdorg. Sinabi ni Liu na sa panahon ng pagdalaw ni Xi sa Mongolia noong 2014, narating ng mga pangulo ng dalawang bansa ang komong palagay, at pinataas ang bilateral na relasyon sa komprehensibong estratehikong partnership. Umaasa aniya siyang patuloy na palalalimin ng dalawang bansa ang pulitikal na pagtitiwalaan, pasusulungin ang kooperasyon ng konektibidad ng imprastrukturang pantransportasyon, konstruksyon ng puwerto, production capacity, pamumuhunan, kalakalan at kultura.

Sinabi ni Elbegdorg na matatag na nananangan ang Mongolia sa mga patakarang pangkaibigan sa Tsina, at patuloy na palalalimin ang pulitikal na pagtitiwalaan at pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan ng Mongolia at Tsina.

salin:wle


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino