Tour abroad ng mga Chinese sa National Day, lumaki

2016-10-08 15:44:28

Mula noong unang araw hanggang ika-7 ng Oktubre, 2016 (bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina), bunga ng ibayo pang pagpapaluwag ng visa policy ng iba't-ibang bansa sa mga turistang Tsino, halatang bumuti ang kapaligiran ng tour abroad ng mga mamamayang Tsino.

Ayon sa ulat, noong nagdaang bakasyon ng Pambansang Araw, umakyat sa halos 1.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsino sa ibang bansa. Ito ay mas malaki ng 11.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Ang sampung pinakapopular na bansang napuntahan ng mga turistang Tsino noong panahong iyon ay Timog Korea, Hapon, Rusya, Thailand, Chinese Taiwan, Australia, Biyetnam, Malaysia, Pransya, at Singapore.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino