Kooperasyong Sino-Thai, pasusulungin

2016-10-10 10:49:57

Kooperasyong Sino-Thai, pasusulungin

Bangkok, Thailand - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Oktubre 9, 2016, kay Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina na kalahok sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Asia Cooperation Dialogue (ACD), ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand ang pasasalamat sa paglahok ni Li sa nasabing pulong. Inaasahan aniya ng Thailand na gaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa pagpapasulong ng ACD sa mga larangang gaya ng konektibidad. Nakahanda aniya ang Thailand na magsikap kasama ng Tsina, para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong kinabibilangan ng turismo, kalakalang agrikultural, kultura, at iba pa.

Sinabi naman ng pangalawang pangulong Tsino na ang Tsina at Thailand ay kapwa mahalagang umuunlad na bansa sa Asya. Aniya, kapwa kinakaharap ng dalawang panig ang mahalagang tungkulin ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Umaasa si Li na mapapanatili ng dalawang panig ang pagdadalawan sa mataas na antas, mapapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan upang magkasamang makapag-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, kaligtasan, at katatagan ng dalawang bansa at buong rehiyon.

Ipinahayag pa ni Li na palagiang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang proseso ng ACD, at winiwelkam nito ang pagpapatingkad ng mga kasaping bansa ng ACD ng mas malaking papel sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino