Mga lider ng Iran at Tsina, nag-usap

2016-10-10 10:57:56

Mga lider ng Iran at Tsina, nag-usap


Sina Li Yuanchao (sa kaliwa) at Hassan Rouhani ( sa kanan)

Bangkok, Thailand - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Oktubre 9, 2016, kay Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Iran ay nasa bagong pagkakataon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Iran, para komprehensibong maisakatuparan ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at walang humpay na mapayaman ang nilalaman ng kanilang komprehensibo at estratehikong partnership.

Ipinahayag naman ni Rouhani na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Umaasa aniya ang Iran na ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng konektibidad, enerhiya, pinansya, at mga isyung panrehiyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino