Relasyong Sino-Portuguese, ibayong mapapasulong-PM ng Tsina at Portugal

2016-10-10 11:14:10 CRI

Oktubre 9, 2016, sa Beijing, dumalo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Antonio Maria Costa ng Portugal, sa isang magkasanib na preskon.

Ipinahayag ni Li na malawak ang komong interes sa pagitan ng Tsina at Portugal. Umaasa aniya siyang ibayong pahihigpitin ng Tsina at Portugal ang pagtitiwalaang pampulitika at pagpapalitan ng tauhan, at palalakasin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa imprastruktura, produktong agrikultural, bagong enerhiya at iba pa. Tinukoy ni Li na bilang isang multilateral na pampamahalaang mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang nagsasalita ng Portuguese, ang Porum ng Tsina at Portuguese-speaking countries ay gumaganap ng mahalagang papel, nitong 13 taong nakararaan, sa pagpapalakas ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkultura, at pagpapasulong ng magkasamang pag-unlad sa pagitan ng Tsina, Macao at Portugal.

Ipinahayag naman ni Costa na nananatiling mainam ang pagtutulungan ng Tsina at Portugal sa larangang pampulitika at pangkabuhayan. Nakahanda aniya ang Portugal na pahigptin ang pragmatikong pakikipagtulungan sa ibat-ibang panig, batay sa balangkas ng nasabing porum.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino