PM ng Tsina at Portugal, nag-usap: malusog na relasyon, pananatilihin

2016-10-10 14:11:31 CRI

Nag-usap Oktubre 9, 2016 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministrong Antonio Maria Costa ng Portugal.

Ipinahayag ni Premyer Li na nitong 37 taong nakalipas sapul nang naitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Portugal, nananatiling mainam at malusog ang pagtutulungan ng dalawang bansa. Naisakatuparan aniya ng Tsina at Portugal ang maalwang paglilipat ng soberanya ng Macao, batay sa prinsipyo ng pagbibigay-galang, at pagkakapantay-pantay. Ito aniya ay hindi lamang nagsisilbing huwaran sa paglutas ng mga bansa sa mga alitang pangkasaysayan, kundi makakatulong din sa ibayong pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Portugal, para ibayo pang palakasin ang kanilang pagpapalitan sa mas mataas na antas, palalimin ang pagtitiwalaan sa pulitika, palakasin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Makikinabang aniya ang mga mamamayan ng dalawang bansa mula rito.

Binigyang-diin ni Li na positibo ang Tsina sa pagtatatag ng integrasyon ng Europa. Aniya, ang pagsasakatuparan ng pagkakaisa, kasaganaan at katatagan ng Unyong Europeo(EU) ay hindi lamang angkop sa interes ng ibat-ibang panig, kundi makakatulong din sa muling kasiglaan ng kabuhayang pandaigdig at katatagan ng pinansiyang pandaigdig. Umaasa aniya ang Tsina na patitingkarin ng Portugal ang konstruktibong papel sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at EU. Ipinahayag naman ni Costa na nakahanda ang Portugal na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palakasin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pinansiya, turismo, bagong enerhiya at iba pa. Handa rin aniya ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at EU.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino