Tsina at Pilipinas, may mahigpit na pagkokoordinahan tungkol sa gagawing bisita ni Pangulong Duterte

2016-10-10 19:19:17

Beijing - Ipinahayag Lunes, Oktubre 10, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, napapanatili ng Tsina at Pilipinas ang mahigpit na pagkokoordinahan tungkol sa gagawing biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina.

Ani Geng, paulit-ulit na nagpahayag ang panig Tsino ng pagtanggap sa nasabing biyahe ng pangulong Pilipino. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang pagpapahalaga ni Pangulong Duterte sa relasyong Sino-Pilipino. Nananalig siyang ang pagdadalawan ng mataas na antas ng dalawang bansa ay makakatulong sa pagpapasulong hindi lamang ng kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan, kundi sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyon, dagdag pa niya.

Ayon sa ulat, isasagawa ni Pangulong Duterte ang kanyang unang biyahe sa Tsina sa gitnang dako ng buwang kasalukuyan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino