Tampok ng gagawing biyahe ng Pangulong Tsino sa Cambodia, inilahad

2016-10-11 11:17:48 CRI CRI

Sa press briefing Lunes, Oktubre 10, 2016, inilahad ni Kong Xuanyou, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina ang hinggil sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Cambodia.

Ayon kay Kong, sa nabanggit na biyahe sa Oktubre 13, nakatakdang makipagtagpo si Pangulong Xi kay Hari Norodom Sihamoni, dating Reyna Norodom Monineath at Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Tatayong-saksi rin si Pangulong Xi, kasama ng mga lider na Cambodian sa seremonya ng paglalagda sa serye ng dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Pagkaraan ng kanyang biyahe sa Cambodia, dadalaw rin ang pangulong Tsino sa Bangladesh at dadalo sa Ika-8 BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Summit sa India.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino