Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan

2016-10-11 17:56:40

Beijing - Idinaos Martes, Oktubre 11, 2016, sa Embahadang Ruso sa Tsina, ang seremonya ng pagsisimula ng omnimedia reporting tour of China na pinamagatang "China-Russia Silk Road." Dumalo sa seremonyang ito sina Dai Bingguo, Tagapangulo ng Panig Tsino sa Komisyon ng Pagkakaibigan, Kapayapaan, at Kaunlarang Sino-Ruso, Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina, Li Huilai, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, Wu Shangzhi, Pangalawamng Puno ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television of the People's Republic of China, Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI), at Dmitriy Kiselyov, Presidente ng Rossiya Segodnya.

Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan


Group photo ng aktibidad

Ang aktibidad na ito ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television of the People's Republic of China, China Radio International (CRI), at Rossiya Segodnya.

Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan


Si Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Andrey Denisov na ang China-Russia media tour ay nagsisilbing mabisang platapormang pangkooperasyon. Ito aniya ay naging espesyal na modelo ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng dalawang bansa.

Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan


Si Li Huilai, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina

Ipinahayag naman ni Li Huilai ang maringal na pagbati sa opisyal na pag-uumpisa ng nasabing aktibidad. Tinukoy niya na kasalukuyang aktibong pinasusulong ng mga kaukulang bansang kinabibilangan ng Tsina at Rusya, ang konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative. Ito aniya ay mahalagang hakbang para mapasulong ang kasaganaan at kaunlaran ng Tsina at Rusya, at ang mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road."

Seremonya ng pagsisimula ng "China-Russia Silk Road," pinasinayaan


Si Wang Gengnian, Presidente ng CRI

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Wang Gengnian na ang naturang aktibidad ay isa pang malaking bilateral na proyektong pangkooperasyon ng mga media ng Tsina at Rusya. Ito aniya ay binalak at isinagawa ng CRI. Layon nitong isalaysay ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, kasaysayan, kultura, at katutubong kaugalian ng mga mahalagang lunsod sa kahabaan ng economic belt ng Silk Road.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino