Pangulong Rodrigo Duterte, bibiyahe sa Tsina

2016-10-12 15:59:31

Ipinatalastas Miyerkules, Oktubre 12, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan.

Nitong Martes, sinabi ng isa pang tagapagsalitang Tsino na si Geng Shuang, na winiwelkam ng Tsina ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina. Aniya, positibo ang mithiin ng dalawang bansa sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino