PM ng Bangladesh: mapapalakas ng biyahe ng Pangulong Tsino ang kooperasyon at pagkakaibigan ng Tsina at Bangladesh

2016-10-13 10:21:17

Dhaka - Sa isang panayam sa bisperas ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Bangladesh, ipinahayag ni Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, na may mahalagang katuturan ang nasabing biyahe para sa relasyon ng Tsina at Bangladesh.

Ani Hasina, nitong 41 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng mga pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa, walang humpay na umuunlad ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Bangladesh at Tsina. Buong tatag aniyang kinakatigan ng Bangladesh ang patakarang "Isang Tsina."

Dagdag pa niya, lubos na pinahahalagahan ng Bangladesh ang relasyon sa Tsina, at taos-pusong pinasasalamatan ang ibinibigay na matapat na tulong ng panig Tsino sa kanyang bansa sa mga larangang tulad ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at konstruksyon ng imprastruktura.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino