Pangulong Tsino at PM ng Nepal, nagtagpo

2016-10-16 11:12:09 CRI

Sa Goa, India-Nagtagpo dito Sabado, Oktubre 15, 2016, sina Pangulo Xi Jinping ng Tsina at Pushpa Kamal Dahal Prachanda, Punong Ministro ng Nepal.

Sinabi ni Xi na dapat isakatuparan ng Tsina at Nepal ang mga narating na nagkakaisang posisyon sa mga kooperasyon na gaya ng connectivity, malayang kalakalan, at enerhiya.

Nakahanda aniya siyang patuloy na tutulungan ng Tsina ang rekonstruksyon ng Nepal pagkatapos ng kalamidad, pasiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Nepal, at pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, industriya, kultura, edukasyon at turismo.

Pinasalamatan ni Pushpa Kamal Dahal Prachanda ang pagtutulong ng Tsina sa rekonstruksyon ng kanyang bansa at pambansang pag-unlad. Sinabi niyang itinuring ng kanyang bansa ang Tsina bilang matalik at pinagtitiwalaang kaibigan.

Bukod dito, nakahanda aniya siyang aktibong lumahok sa mga proyekto sa ilalim ng balangkas ng “Belt and Road” Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino