Relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, palalakasin

2016-10-18 15:39:14

Beijing, China - Isiniwalat Martes, Oktubre 18, 2016, ni Tagapagsalita Shen Danyang ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palalakasin ng Tsina at Pilipinas ang estratehikong pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan. Kabilang dito aniya ay malalimang pagtalakay tungkol sa paraan ng pagpapalawak ng bilateral na kalakalan, pagpapasulong at pagbibigay-patnubay sa pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal Tsino sa Pilipinas, at iba pa.

Isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state visit sa China mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan. Sa isang regular na preskon, ipinahayag ni Shen na inaasahan ng panig Tsino na sa pamamagitan ng nasabing biyahe ni Pangulong Duterte, ibayo pang mapapatibay at mapapalakas ang pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at walang humpay na mapapataas ang saklaw at lebel ng kooperasyon.

Magiging aktuwal ang nilalaman ng nasabing kooperasyon, ani Shen. Kasama rito ang pagpapalawak ng panig Tsino ng pag-aangkat ng mga prutas, at iba pa.

Nitong ilang taong nakalipas, mahigpit ang pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Ayon sa opisyal na datos, mula noong Enero hanggang Setyembre, 2016, lumaki ng 10.6% ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino