Pagpapalitan ng mediang Tsino at Pilipino, palalakasin

2016-10-20 13:31:31

Pagpapalitan ng mediang Tsino at Pilipino, palalakasin


Sina Cai Mingzhao (sa kanan) at Martin Andanar (sa kaliwa)

Beijing - Nakausap nitong Miyerkules, Oktubre 29, 2016, ni Cai Mingzhao, Presidente ng Xinhua News Agency, si Martin Andanar, Communications Secretary na kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa biyahe sa China.

Ipinahayag ni Cai ang kahandaan ng kanyang ahensya na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mga pangunahing mediang Pilipino para mapasulong ang kanilang pagpapalitan, magkakasamang palaganapin ang positibong impormasyon para sa pagkakaibigang Sino-Pilipino at mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Andanar na ang Xinhua News Agency ay organong pang-impormasyon na may mahalagang impluwensiya sa daigdig. Naging obdiyektibo at pantay ang pagre-report nito tungkol sa Pilipinas, aniya. Nakahanda ang PCOO na patuloy na palalimin ang pakikipagtulungan sa Xinhua News Agency para maihatid ang mas maraming positibong impormasyon sa mga mamamayang Pilipino at mapalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag ni Andanar.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino