Mapagkaibigang kooperasyong Sino-Malay, di-mapapahintulutang insultuhin — Tsina

2017-01-11 11:24:37

Kuala Lumpur - Ipinahayag nitong Martes, Enero 10, 2017, ng Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Malaysia na ang pagpapalakas ng mapagkaibigan at aktuwal na kooperasyong Sino-Malay ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa. Kapwa nakikinabang dito aniya ang dalawang panig. Ito ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng dalawang pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa sa mahabang panahon, at hinding hindi ito mapahihintulutang insultuhin ng sinuman, dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling 100 bilyong dolyares ang lebel ng halaga ng kalakalang Sino-Malay. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Malaysia nitong nagdaang pitong taong singkad, at ang Malaysia naman ang pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong nagdaang walong taong singkad, aniya pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino