Pagpapalitan ng mga media ng Tsina at Switzerland, idinaos

2017-01-11 12:54:30 CRI

Pagpapalitan ng mga media ng Tsina at Switzerland, idinaos

Bilang preparasyon sa nalalapit na biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Switzerland sa kasalukuyang buwan, idinaos sa Geneva, Enero 10, 2017 ng Departamentong Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang diyalogo, sa pagitan ng mga media ng Tsina at Switzerland.  Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Jiang Jianguo, namamahalang tauhan ng nasabing departamento, na bilang kauna-unahang diplomatikong aktibidad ng mga lider Tsino sa komunidad ng daigdig sa kasalukuyang taon, ang biyahe ni Pangulong Xi sa Switzerland ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng Tsina at Switzerland, pagpapasulong ng globalisasyong pangkabuhayan, at pagpapabuti ng pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.

Ani Jiang, ayon sa pagtaya mula sa International Monetary Fund(IMF), 39% ng world economic growth sa 2016 ay mula sa Tsina. Ito aniya ay mas malaki ng 50% kumpara sa lahat ng karagdagang pangkabuhayan mula sa mga maunlad na bansa, sa nasabing taon. Dagdag pa ni Jiang, nitong 30 taong nakararaan, mahigit 700 milyong mahihirap, 70% ng mahirap na populasyon sa mundo, ang nakinabang sa tulong na ibinibigay ng Tsina, para isakatuparan ang pinakamabilis na paghulagpos sa kahirapan sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino