Relasyong Amerikano-Sino, mahalaga — Joseph Biden

2017-01-18 10:56:11

Relasyong Amerikano-Sino, mahalaga — Joseph Biden

Sina Xi Jinping (sa kanan) at Joseph Biden (sa kaliwa)

Davos - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Enero 17, 2017, kay Joseph Biden, Pangalawang Pangulong Amerikano, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mainam na pagbati kay Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos. Lubos din niyang pinapurihan ang ibinibigay na ambag ni Biden sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano at pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 38 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, walang humpay na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinagdiinan din niyang ang pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig ay nangangailangan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Amerika upang maitatag ang pangmalayuan at matatag na relasyong pangkooperasyon.

Ipinaabot muna ni Biden ang pagbati sa pagbigkas ni Pangulong Xi ng napakahalagang talumpati sa katatapos na seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng World Economic Forum (WEF). Ipinahayag niya na ang relasyong Amerikano-Sino ay napakahalagang bilateral na relasyon. Sa ika21 siglo, napakahalaga ng paglaki at kasaganaan ng dalawang bansa para sa buong daigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino