Mga pangulo ng Tsina at Ukraine, nagtagpo

2017-01-18 11:34:32 CRI

Nagtagpo Martes, Disyembre 17, 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Petro Poroszenko ng Ukraine.

Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Ukraine, nakahandang mapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalalim ang kooperasyon at pagpaplitan sa edukasyon, kultura, kalusugan, turismo at iba pang larangan, at mapalakas ang diyalogo at koordinasyon sa mga suliraning pandagidig at panrehiyon.

Ani Xi, tunay na inaasahan ng Tsina na pananatilihin ng Ukraine ang katatagan ng lipunan at pag-unlad ng kabuhayan, at nakahandang gumanap ng positibong papel para lutasin ang krisis sa pamamagitan ng pulitikal na paraan.

Ipinahayag naman ni Poroszenko na mahalaga ang relasyon ng Ukraine at Tsina. Malaki ang potensiyal ng kooperasyon ng dalawang bansa sa logistics, port, agriculture, steel, machinery manufacturing at iba pa. Winiwelkam ng Ukraine na palalakihin ng mga bahay-kalakal na Tsino ang pamumuhunan sa kanyang bansa.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino