Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng IOC, nag-usap: pagtutulungan ng Tsina at IOC, mabunga

2017-01-19 10:34:12 CRI

Nakipag-usap Enero 18, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Thomas Back, Tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC), sa Lausanne, Switzerland. Ipinahayag ni Pangulong Xi ang paghanga sa pagsisikap ng IOC na pinamumunuan ni Tagapangulong Back at mga dating tagapangulo, sa pagpapasulong ng Olimpiyada ng daigdig at palakasan ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng IOC para idaos ang isang makulay na palaro sa Beijing, sa taong 2022.

Ipinahayag naman ni Bach na optimistiko ang IOC sa progresong matatamo ng Tsina sa ibat-ibang larangan sa hinaharap, lalo na sa palakasan. Nakahanda aniya ang IOC na magsikap, kasama ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Committee, para sa pagtatagumpay ng 2022 Beijing Winter Olympic Games.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino