Chinese Deputy Foreign Minister, bumisita kay Pangulong Duterte

2017-01-20 12:25:34

Manila - Bumisita nitong Martes, Enero 17, 2017, si Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na sapul nang kanyang biyahe sa Tsina noong isang taon, komprehensibong umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ani Duterte, lubos niya itong ikinasisiya. Sa darating na Mayo, pupunta aniya siya sa Beijing upang dumalo sa Belt and Road Forum.

Ipinahayag naman ni Liu ang kahandaan ng panig Tsino na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa upang makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino