Proyektong napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina, inaasahang mabilis na ipatutupad – kalihim ng DoF

2017-01-23 18:42:50 CRI

Proyektong napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina, inaasahang mabilis na ipatutupad – kalihim ng DoF

Beijing, Tsina - Sa preskong idinaos ngayong tanghali, Enero 23, 2017 sa Beijing Hotel, sinabi ni Carlos G. Dominguez III, Kalihim ng Kagawaran ng Pinansya ng Pilipinas (DoF), na umaasa siyang agarang maipatutupad ang mga proyektong napagkasuduan ng panig Pilipino at panig Tsino sa pag-uusap na idinaos nang araw ring iyon, upang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

Aniya pa, napaka-produktibo ng kanyang pakikipagtagpo kay Ministro Gao Hucheng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.

Aniya, ang naturang pagtatagpo ay isang napaka-inam na unang hakbang tungo sa pag-abot sa mga naisin at hangarin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Proyektong napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina, inaasahang mabilis na ipatutupad – kalihim ng DoF

"Belt and Road" Initiative, historikal na ideya

Samantala, sinabi ni Dominguez na ang "Belt and Road" Initiative na sinusulong ng Tsina ay isang "historikal na ideya" na magbibigay-benepisyo sa mundo, partikular sa mga bansang nagpupunyagi para sa pag-unlad.

"Inaasahan namin ang pangunguna ng Tsina sa pagsusulong ng mga magandang ideya at implementasyon ng 'Belt and Road' Initiative," dagdag pa kalihim na Pilipino.

Inulit din ni Dominguez ang mariing suporta ng Pilipinas sa Tsina at ang todong pakikilahok nito sa "Belt and Road" Initiative.

Proyektong napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina, inaasahang mabilis na ipatutupad – kalihim ng DoF

Imprastruktura, trabaho at pag-unlad sa tulong ng Tsina

Sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong Oktubre 2016, nagkaroon ng mga kasunduan na nagkakahalaga ng .5 bilyong dolyar. Ang halagang ito ay ibibigay sa anyo ng mga magkasamang proyekto at soft loan para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Hinggil dito, sinabi ni Dominguez, na may tatlong pangunahing obdiyektibo si Pangulong Duterte: una, gusto niyang paliitin ang bilang mga mahihirap. At para maisagawa ito, sinabi ng kalihim na ipatutupad ng Pilipinas ang malalaki at malawakang proyekto ng imprastruktura.

Ito aniya ay gagawa ng trabaho para sa mga taong nasa kanayunan, at magkokonekta ng mga sakahan sa mga pamilihan.

Ang pangalawang obdiyektibo, dagdag ni Dominguez ay ang pagtatayo ng lipunang sumusunod sa batas. Aniya, para maisagawa ito, ipinatutupad ng pamahalaang Pilipino ang digmaan kontra sa ilegal na droga. Tulad ng kalawang, unti-unti nitong kinakain ang lipunang Pilipino, kaya dapat lang itong mapuksa, dagdag ng kalihim.

Ang pangatlo aniya ay pagtatayo ng isang lipunang may-harmonyang panloob at may-harmonya sa mga kapit-bansa.

"Ang mga napag-usapan kaninang umaga ay mga proyektong may-kinalaman sa pagpapaliit sa kahirapan, sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastruktura," anang kalihim.

Mayroon na aniyang 38 malalaki at maliliit na proyektong nakatakdang isagawa at ikokonekta ng mga ito ang mga sakahan sa pamilihan at magpapagaan sa pagbibiyahe ng mga produkto, tulad ng mga daan, tulay, at marami pang iba.

Umaasa aniya ang Pilipinas sa Tsina sa larangan ng imprastruktura dahil maraming karanasan dito ang Tsina.

"Noong dekada 80 at 90, inilunsad ng Tsina ang malalawak na proyektong pang-imprastruktura, at bilang resulta, napababa ang bilang ng mahihirap," dagdag ni Dominguez.

Ulat/Larawan: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino