Resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, idinaos sa Beijing

2017-01-27 10:47:49 CRI

Resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, idinaos sa Beijing

Idinaos Huwebes, Enero 26, 2017, sa Great Hall of the People sa Beijing ang resepsyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Sentral bilang pagdiriwang sa 2017 Spring Festival o Chinese New Year.

Sa resepsyong ito, binati ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, Pangkalahatang Kalihim ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) ng maligayang bagong taon ang lahat ng mga Tsino sa mainland, Hong Kong, Macao, Taiwan at ibayong dagat.

Sinabi ni Xi na noong taong 2016, natamo ang mga bunga ng Tsina sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan, pagpawi ng kahirapan, at reporma sa gawaing pandepensa at militar.

Sinabi pa niyang sa taong 2017, patuloy na magsisikap ang lahat ng mga mamamayang Tsino para komprehensibong itayo ang may kaginhawahang lipunan sa lalong madaling panahon.

Dumalo sa resepsyong ito sina Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, Zhang Gaoli at mahigit 2000 kinatawan ng iba't ibang sektor ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino