Tsina at UN, tinalakay ang paggamit ng Peace and Development Fund sa 2017

2017-02-04 16:37:03 CRI CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-3 ng Pebrero 2017, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang unang pulong ng komiteng tagapatnubay ng China-UN Peace and Development Fund.

Sa pulong, pinakinggan ng mga kalahok na opisyal ng Tsina at UN ang ulat ng mga gawain ng fund management group noong isang taon, ginawa ang ilang karagdagang regulasyon hinggil sa pangangasiwa sa pondo, at itinakda ang mga priyoridad ng paggamit ng pondo sa taong ito.

Noong Setyembre 2015, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatatag, kasama ng UN, ng 1 bilyong US dolyar na Peace and Development Fund. Noong Mayo 2016 naman, pormal na nilagdaan ng Tsina at UN ang kasunduan sa pagtatatag ng pondong ito, at binuo ang nabanggit na komiteng tagapatnubay.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino