Serbisyo ng sangay ng BC sa Sansha, nagsimula na

2017-02-06 10:08:30

Pormal na naisaoperasyon nitong Linggo, Pebrero 5, 2017, ang sangay ng Bank of China (BC) sa Sansha, Hainan province. Ayon sa BC, nakahanda itong ibayo pang patingkarin ang bentahe nito at komprehensibong pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa lunsod ng Sansha. Ipagkakaloob din nito ang mas maraming pagkatig na gaya ng pondo sa konstruksyon ng nasabing lunsod.

Bukod dito, upang katigan ang pag-unlad ng mga bahay-kalakal sa Sansha, isinagawa ng BC ang serye ng hakbanging preperensyal.

Naitatag ang naturang sangay ng BC noong isang taon. Ito ang unang organong pinansyal makaraang maging lunsod ang Sansha.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino