Unang grupo ng mga turistang Tsinong nailigtas mula sa lumubog na barko sa Malaysia, nakauwi na

2017-02-06 10:46:46

Ayon sa Chinese Consulate sa Kota Kinabalu ng Malaysia, nakauwi na ang unang grupo, na kinabibilangan ng apat (4) na turistang Tsino na nakaligtas sa paglubog ng barko sa estadong Sabah, madaling araw ng Lunes, Pebrero 6, 2017.

Ipinahayag ng mga nakaligtas ang kanilang lubos na pasasalamat sa lahat ng ginawa ng pamahalaang Tsino para sa kanila.

Noong Enero 28, 2017, lumubog ang isang barkong may lulang mahigit 20 turistang Tsino sa karagatang nakapaligid ng Sabah. Bukod sa mga nakalitas, 3 turistang Tsino ang kumpirmadong nasawi. Ayon sa panig pulisya ng Malaysia, lima (5) pang turistang Tsino at isang tripulante ang nawawala.

Ayon sa ulat, naganap ang nasabing aksidente sa kasagsagan ng Chinese New Year.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino