Mga Pangulo ng Tsina at Amerika, nag-usap sa telepono

2017-02-10 17:33:36 CRI

Nag-usap sa telepono ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Pebrero 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa pormal na panunungkulan ni Trump bilang pangulo ng Amerika. Pinasalamatan din niya si Trump, sa kanyang pagpapadala kamakailan ng mensahe bilang pagbati sa mga mamamayang Tsino para sa Lantern Festival at Chinese Lunar New Year.

Tinukoy ni Xi, na sa harap ng kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig at dumaraming hamon sa daigdig, nagiging mas mahalaga ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Amerika. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Amerika, na pasulungin ang bilateral na kooperasyon, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ito aniya ay para magkasamang pangalagaan ng dalawang bansa ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Trump, na mahalaga ang pag-uugnayan sa mataas na antas ng Amerika at Tsina. Nananalig aniya siyang, bilang katuwang na pangkooperasyon, kailangang magkasamang magsikap ang Amerika at Tsina, para pasulungin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.

Binigyang-diin din ni Trump, na igigiit ng pamahalaang Amerikano ang patakarang "Isang Tsina." Hinahangaan naman ni Xi ang pahayag na ito ni Trump. Dagdag pa niya, ang prinsipyong "Isang Tsina" ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano.

Salin: Liu Kai

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino