Pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Amerika, isinagawa ayon sa naunang plano

2017-02-11 15:06:27

Beijing - Ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pag-uusap sa telepuno nang araw ring iyon nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika ay isinagawa ayon sa naunang plano ng dalawang panig. Kapwang inaasahan ng lider ng dalawang bansa ang pagkikita sa lalong madaling panahon.

Nitong Biyernes, sa pag-uusap nila Xi at Trump, ipinahayag ng huli ang buong tatag na pananangan sa patakarang isang Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag ni Lu na ang prinsipyong isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano. Aniya, ang paggarantiya sa prinsipyong ito ay napakahalaga para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano upang mapalakas ang pagkokoordinahan, mapalawak ang kooperasyon, at mapasulong ang pagtatamo ng mas maraming bunga ng relasyon ng dalawang bansa.

Kaugnay ng kooperasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Lu na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, pinakamalaking maunlad na bansa, at dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, kailangang isagawa at palakasin ng Tsina at Amerika ang kooperasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino