Wang Yi, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Perfecto Yasay

2017-02-14 17:13:42

Kaugnay ng taong nasawi at kapinsalaan ng ari-arian na dulot ng lindol sa Pilipinas, ipinadala nitong Lunes, Pebrero 13, 2017, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Perfecto Yasay, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas. Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na magkaloob ng tulong sa gawaing panaklolo ng panig Pilipino. Nananalig aniya siyang sa pamumuno ng pamahalaang Pilipino, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang kahirapan upang mapanumbalik ang karaniwang pagtatrabaho at pamumuhay sa lalong madaling panahon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino