CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

2017-02-14 22:32:37

Manila - Idinaos Martes, Pebrero 14, 2017, ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at China Radio International (CRI) ang seremonya ng paglalagda sa kasunduang pangkooperasyon ng mga mediang Tsino at Pilipino. Dumalo rito ang CRI delegation na pinamumunuan ng Presidente nitong si Wang Gengnian. Sa ngalan ng CRI,magkakahiwalay siyang nakipaglagda ng kasunduang pangkooperasyon sa PCOO, Radyo ng Bayan (RNB), People's Television Network (PTV), at Philippines News Agency (PNA). Makaraang isagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state visit sa Tsina noong isang taon, ito ang unang natamong bungang substansyal ng mga pampamahalaang media ng dalawang bansa.

CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

Sina Undersecretary Noel George P. Puyat ( kaliwa) ng PCOO at Presidente Wang Gengnian (kanan) ng CRI habang lumalagda sa kasunduan

Isinalaysay ni Presidente Wang na nagsasahimpapawid araw-araw ang CRI sa buong daigdig sa animnapu't limang (65) wika. Kabilang dito, may 52 taong kasaysayan ang Serbisyo Filipino ng CRI na siyang tanging pampamahalaang media na gumagamit ng wikang Filipino sa daigdig sa labas ng Pilipinas. Aniya pa, layunin ng CRI Filipino Service na mapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.

CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

Sina Presidente Wang Gengnian (kaliwa) ng CRI at Direktor Rizal Giovanni Aportadera (kanan) ng RNB habang pumipirma sa kasunduang pangkooperasyon

CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

Lumaglagda sina Presidente Wang Gengnian (kanan) ng CRI at General Manager Dino Antonio Apolonio ng PTV (kaliwa) sa kasunduang pangkooperasyon

CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

Lumalagda ng kontratang pangkooperasyon sina Presidente Wang Gengnian (kaliwa) ng CRI at Direktor Virgina Agtay ng News and Information Bureau

Idinagdag pa niya na may mahigpit na mithiin ang mga mediang Tsino at Pilipino sa kooperasyon, at ang pagpapalakas ng mga mediang ito ay di-maiiwasang resulta ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Pagkaraang lagdaan ang kasunduan, isasagawa aniya ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga aspektong tulad ng pagpapalitan ng impormasyon, pagdadalawan ng mga tauhan, pagpapalitan ng teknolohiya, at magkakasamang pagpoprodyus ng mga programa.

CRI, PCOO, at mga pampamahalaang media, lumagda sa kasunduang pangkooperasyon

Litrato ng lahat ng signataryong panig

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Undersecretary Noel George P. Puyat ng PCOO, ang lubos na papuri sa ginagawang pagsisikap ng CRI upang mapasulong ang kooperasyon ng mga mediang Pilipino at Tsino. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kooperasyong ito, mauunawaan ng mas maraming mamamayang Pilipino ang kulturang Tsino, at mauunawaan din ng mas maraming mamamayang Tsino ang kulturang Pilipino.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino