Tsina, nakahandang magkaloob ng tulong sa Pilipinas kaugnay ng lindol sa Surigao del Norte

2017-02-15 10:19:25 CRI CRI

Ipinahayag ng pamahalaang Tsino ang kahandaang magkaloob ng tulong bilang tugon sa lindol na yumanig sa Surigao del Norte noong ika-10 ng Pebrero.

Sa regular na preskon Martes, ika-14 ng Pebrero, 2017, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kaugnay ng nasabing trahedya, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ang kanyang mensahe ng pakikidalamhati sa kanyang counterpart na Pilipino na si Perpecto Yasay. Ang Red Cross Society of China ay magbibigay ng tulong na humanitarian na nagkakahalaga ng US,000. Ang Pamahalaang Tsino ay nakahanda ring magbigay ng tulong na panaklolo.

Ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino ang paniniwala na sa pamumuno ng pamahalaang Pilipino, mapagtatagumpayan ng mga apekdatong mamamayang Pilipino ang mga kahirapang dulot ng lindol at manunumbalik sila sa normal na buhay sa lalong madaling panahon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino