Tulong na salapi mula sa Red Cross Society of China, ipinaabot sa Pilipinas para sa relief work sa Surigao del Norte

2017-02-17 10:48:56 CRI CRI

Sa ngalan ng Red Cross Society of China, ipinaabot Huwebes, Pebrero 16, 2017, ni Sun Yi, Counselor ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang US$ 50,000 na tulong na salapi sa Philippine Red Cross para sa mga gawaing panaklolo sa nilindol na Surigao del Norte.

Ipinahayag naman ni Gng. Esmeralda Villanueva, Fund Generation Director ng Philippine Red Cross ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa panig Tsino.

Isang araw bago ang nasabing donasyon, ipinatalastas ng Ministro ng Komersyo ng Tsina ang US$ 1,000,000 na humanitaryang tulong para sa mga apektadong mamamayang Pilipino.

Sina Counselor Sun Yi (kaliwa) at Gng Esmeralda Villanueva (kanan) sa seremonya ng paghahandog ng humanitaryang tulong (Photo Credit: website ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas)

Sina Counselor Sun Yi (kaliwa) at Gng Esmeralda Villanueva (kanan) sa seremonya ng paghahandog ng humanitaryang tulong (Photo Credit: website ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas)

Salin: Jade

Pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino