Ika-19 na pulong sa pagpapatupad ng DOC, gaganapin sa Bali Island

2017-02-23 15:40:34 CRI

Miyerkules, Pebrero 22, 2017, isinalaysay ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Bali Island, Indonesia, sa ika-27 ng buwang ito ang ika-19 na pulong hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Aniya, sa panahon ng nasabing pulong, magpapalitan ng kuru-kuro ang iba't ibang panig, ukol sa pagpapatupad ng DOC, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong pandagat, at pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea (COC).

Dagdag ni Geng, sa kasalukuyan, magkasamang nagsisikap ang Tsina at mga bansang ASEAN, at nagiging matatag ang kalagayan ng South China Sea. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng mga bansang ASEAN, na aktibong pasulungin ang proseso ng pagsasanggunian sa COC. Nakatakda aniyang matapos ang COC framework bago ang kalagitnaan ng kasalukuyang taon, upang marating ang COC sa lalong madaling panahon, batay sa pagsasanggunian.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino