China sa Japan, dapat maging maingat sa isyu ng Taiwan

2017-02-25 15:15:42

Bilang tugon sa pagpapalabas kamakailan ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Hapon ng umano'y "Ulat ng Garantiyang Panseguridad ng Tsina sa 2017 - Bumabagong Relasyon ng Tsina at Taiwan," ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 24, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at ito ay may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina. Hinimok niya ang Hapon na dapat maging maingat sa pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan, at huwag lumikha ng bagong hadlang sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.

Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag, sinabi ni Geng na nagharap na ang panig Tsino ng solemnang representasyon sa panig Hapones tungkol dito.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino