Pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas sa karagatan, makakatulong sa katatagan ng rehiyon-tagapagsalitang Tsino

2017-02-27 11:39:29 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idinaos sa Subic, Olongapo mula Pebrero 20-22, 2017 ang kauna-unahang komperensiya ng Joint Committee ng Kapulisang Pandagat ng Tsina at Pilipinas. Sinang-ayunan aniya ng dalawang panig na itayo ang hot line mechanism, at ibayong pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen, pagliligtas sa karagatan, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at iba pa.

Ipinahayag ni Geng na ang isinasagawang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas ay makakatulong hindi lamang sa ibayong pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika at pagpapalakas ng pagkakaibigan, kundi  maging sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino