10 milyon, maibabawas sa bilang ng mahihirap na Tsino sa 2017

2017-02-27 12:50:32 CRI CRI

Sa taong 2017, di-kukulangin sa 10 milyon ang maibabawas sa bilang ng mahihirap na mamamayang Tsino.

Ito ang ipinahayag ang nasabing kapasiyahan ni Ou Qingping, Pangalawang Direktor ng Leading Group of Poverty Alleviation and Development ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina sa press briefing nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 24, 2017.

Ipinahayag din ni Ou na ayon sa pambansang plano ng Tsina sa taong 2020, nakatakdang makahulagpos sa kahirapan ang lahat ng 40 milyong mahihirap na Tsino. Idinagdag pa niyang upang maisakatuparan ang nasabing target, pag-iibayuhin ng pamahalaang Tsino ang suportang pinansyal at laang-gugulin sa pagpapasulong ng serbisyong pampubliko sa mararalitang lugar.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino