Taunang sesyon ng CPPCC, binuksan

2017-03-03 16:08:45 CRI CRI

Binuksan kaninang hapon, Biyernes, ika-3 ng Marso 2017, sa Beijing, ang Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Komite ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), kataas-taasang political advisory body ng Tsina.

Dumalo dito si Xi Jinping at iba pang lider ng Partido Komunista at estado ng Tsina.

Sa kanyang work report sa sesyon, nilagom ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, ang mga gawain ng organong ito noong isang taon, at itinakda ang plano ng mga gawain sa taong ito.

Sa 10-araw na sesyong ito, ihaharap ng mahigit 2,100 kagawad ng CPPCC ang mga mungkahi hinggil sa mga isyung pang-estado sa iba't ibang larangan, na gaya ng pulitika, kabuhayan, lipunan, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino