Lider Tsino, dumalo sa China Development Forum

2017-03-20 11:50:14 CRI

Sa ilalim ng temang “China and World: Economic Transformation and Structural Reform,” binuksan, Marso 19, 2017 sa Beijing ang China Development Forum.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na ang pag-unlad ng Tsina ay may mahigpit na ugnayan sa pag-unlad ng daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ibat-ibang bansa sa daigdig para pasulungin ang malakas, sustenable, balanse at inklusibong pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at magkasamang isakatuparan ang komunidad ng komong kapalaran ng sangkatauhan.

Dumalo rin sa nasabing seremonya ang mga iskolar, entrepreneur, at opisyal na galing sa loob at labas ng bansa.

Ang pagtitipong ito ay itinataguyod ng Development at Research Department ng Konseho ng Estado ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino