Kooperasyong panggugubat, palalakasin ng Tsina at Laos

2017-03-23 15:41:53

Vientiane - Sa ngalan ng kani-kanilang pamahalaan, lumagda nitong Miyerkules, Marso 22, 2017, si Peng Youdong, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Panggugubat ng Tsina, at Thongphat Vongmany, Pangalawang Ministro ng Panggugubat ng Laos sa Memorandum of Understanding (MOU) kung saan nagkasundo ang dalawang bansa sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa larangang panggugubat.  

Kooperasyong panggugubat, palalakasin ng Tsina at Laos

Ayon sa nasabing MOU, isasagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng paglilikha ng kagubatan, pangangalaga sa kagubatan, sustenableng pag-unlad ng kagubatan, pagpigil ng sunog sa kagubatan, pangangalaga sa mga wild animals, pagpapatupad ng batas at pamamahala sa kagubatan, at paggagalugad at kalakalan ng mga produktong panggugubat.  

Kooperasyong panggugubat, palalakasin ng Tsina at Laos

Ipinahayag ng panig Lao ang kahandaang pag-aralan ang karanasan ng panig Tsino upang ibayo pang mapalakas ang pamamahala sa panggugubat.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino