Pagdalaw ng Premyer Tsino sa New Zealand, mabunga

2017-03-29 10:42:08 CRI

Sa paanyaya ni Bill English, Punong Ministro ng New Zealand, isinagawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa bansang ito mula ika-26 hanggang ika-29 ng Marso, 2017.

Sa kanyang pagdalaw sa bansang ito, nilagdaan ng Tsina at New Zealand ang mga kasunduan hinggil sa pagpapahigpit ng kanilang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, siyensiya, adwana, turismo, at isyung pandaigdig.

Sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagpapasulong ng talastasan hinggil sa pagpapataas ng lebel ng kasunduan ng malayang kalakalan, pagpapahigpit ng kooperasyon hinggil sa “One Belt One Road” Initiative, at pagpapalawak ng kooperasyon sa iba't ibang larangan.

Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang bansa ang pagkatig sa malayang kalakalan sa buong daigdig at pangangalaga sa kasalukuyang sistemang pangkalakalan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino