Lider militar ng Tsina at Malaysia, nag-usap

2017-03-30 09:24:37 CRI

Nakipag-usap Marso 29, 2017, sa Kuala Lumpur si Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina sa Ministrong Pandepensa ng Malaysia na si Hishammuddin Hussein.

Ipinahayag ni Xu na nananatiling mainam ang relasyon ng mga tropa ng Tsina at Malaysia, at lumalalim ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang tropang Tsino na magsikap, kasama ng Malaysian counterpart, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, para ibayong pasulungin ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ipinahayag naman ni Hishammuddin Hussein na optimistiko ang Malaysia sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Aniya, bilang signal ng mapagkaibigang relasyong Sino-Malaysian, nakahanda ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino