Delegasyong Tsino, dumalo sa ika-12 pulong ng Security Conference Secretary ng SCO

2017-04-07 15:09:40 CRI

Binuksan Abril 6, 2017, sa Astana, kabisera ng Kazakhstan, ang ika-12 pulong ng Security Conference Secretary ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization(SCO). Dumalo sa pagtitipon ang delegasyong Tsino na pinamunuan ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina.

Ipinahayag ni Guo na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga kasaping bansa ng SCO para pangalagaan ang katatagan, seguridad at kasaganaan ng rehiyon, batay sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapasulong ng pragmatikong estratehikong pagtutulungan, pagpapabuti ng pundasyong pambatas sa pagtutulungang panseguridad, paglagda sa Tratado ng SCO Laban sa Ekstrimismo sa lalong madaling panahon, at iba pa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino