Lider ng Tsina at Rusya, nag-usap

2017-04-14 10:19:39 CRI

Kinatagpo Abril 13, 2017 sa Moscow ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina.

Lider ng Tsina at Rusya, nag-usap

Ipinaabot ni Zhang ang pagbati kay Pangulong Putin, mula kay Pangulong Xi. Inilahad din ni Zhang ang bungang natamo ng Tsina at Rusya sa kooperasyon sa larangan ng enerhiya, pamumuhunan, pinansyo at iba pa.

Ipinahayag ni Zhang na nakatakdang idaos sa Beijing ang “Belt and Road” Summit Forum, mula Mayo 14-15, 2017. Aniya, ang Rusya ay mahalagang bansang pangkooperasyon sa kahabaan ng “Belt and Road.” Hinihintay aniya ng panig Tsino ang pagdalo ng Pangulong Ruso sa nasabing porum.

Lider ng Tsina at Rusya, nag-usap

Ipinaabot naman ni Pangulong Putin ang pagbati kay Pangulong Xi. Handa na aniya siya sa pagdalo ng “Belt and Road” Summit Forum sa Beijing. Umaasa aniya siyang palalawakin ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan, para ibayong palakasin ang kasalukuyang estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino